
WALANG kawala sa Bureau of Immigration (BI) ang limang blacklisted na Chinese nationals sa Zamboanga International Airport nitong Sabado.
Kinilala ang mga suspek na sina Ying Guanzhen, 31; Yang Jinlong, 29; Liu Xin, 28; Shen Kan, 36; and Luo Honglin, 27, na nahuli ng pinag-sanib na puwersa ng BI Intelligence Division at Fugitive Search Unit.
Dalawa sa mga ito ay wanted sa China, habang lahat silang lima ay konektado sa Lucky South 99 na isang Philippine Offshore Gaming Operator na sinalakay dahil sa illegal na aktibidad.
Ibununyag ng mga awtoridad na tinangka na grupo na tumakas sa bansa sa pamamagitan ng backdoor route mula Tawi-Tawi patungong Sabah, Malaysia, kung saan umupa sila ng “transporter” para maiwasang mahuli.
Gayunpaman, nasiraan ang engine ng kanilang bangka malapit sa Languyan Island, Tawi-Tawi, kung saan hinaralan sila ng mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kinumpirma ng BI ang kanilang blacklist status at immigration violations at sila ay naaresto pagdating sa Zamboanga City.
Itinurnover ang mga suspek sa Philippine National Police apra sa safekeeping, habang hinihinatay ang kanilang deporation.
“This arrest highlights the importance of collaboration with intelligence agencies to prevent fugitives from exploiting our borders,” BI Commissioner Joel Anthony Viado said in a statement.
More Stories
IMEE SA HINDI PAGBANGGIT SA KANYA NI BONGBONG SA CAMPAIGN RALLY: ‘TIISAN TAYO’
BATO HINDI PAHUHULI SA ICC
MAGSE-SHARE NG “FAKE NEWS” DAPAT DING MAPARUSAHAN – ERWIN TULFO