Arestado ang limang suspek na pawang mga nag-o-operate ng ipinagbawal na “Online Sabong” makaraang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Provincial Special Operations Group, Provincial Intelligence Unit ng Batangas Provincial Police Office at ng Sta. Teresita Municipal Police Station nitong hapon ng Huwebes Enero, 16, 2025 sa Brgy. Poblacion 1 ng Sta. Teresita, Batangas.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jeffrey”, alyas “Crisanto”, alyas “Joji”, alyas “Mark” at si alyas “Lester”, mga nasa hustong gulang at kapwa mga residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat na nakarating sa opisina ni Calabarzon PRO4A Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nasamsam sa lugar ng “Online Sabong” Gambling Den ang 1 set ng computer with two monitors, 1 set ng star link with 2 modems, 2 sets of Panasonic camera with tripod and accesories, 42 piraso ng mga live fighting cocks, 4 piraso ng mga dead fighting cocks at 6 kahon ng mga gaff o tari ng manok panabong.
Dati ng ipinag-utos si Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. ang pagsuspinde sa “Online Sabong” sa pamamagitan ng ipinalabas na Executive Order Number 9 at dahil narin sa hindi pa nareresolbang pagkawala ng mga biktimang “missing sabungeros.” Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 as Ammended of RA 9287 o Illegal Gambling Law at Anti-Cyber Crime Law. (KOI HIPOLITO)
More Stories
DMW SA MGA PINOY: MAG-INGAT SA ONLINE JOB OFFERS
Navotas Funbikers
Healthcare Waste Project isinusulong ang Zero Waste Practices sa mga ospital at pasilidad