Timbog ang limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makumpiskahan ng higit sa P300,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.
Dakong 6:10 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy-bust operation sa Dalagang Bukid St. Brgy. Longos, Malabon City si Albert Valdez, 41, at Freddie De Vera, 23.
Nakuha sa kanila ang nasa 13 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P88,400.00 ang halaga at P500 marked money.
Ayon naman sa Navotas police, bandang alas-2:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa Kapalaran 3 St. Brgy. Daanghari, Navotas City.
Nang iabot ng isang operatiba na nagpanggap na buyer ang P500 marked money sa kanilang target na si Rafael Datol, 44, kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga pulis, kasama si Ryan Esquillo, 42, at Jaime Discipolo, 57.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 33 gramo ng hinihinalang shabu na tinayatang nasa P224,400.00 ang halaga, buy-bust money at P500 cash. Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY