ARESTADO ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.
Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Lunes, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Caloocan Police Mobile Patrol Unit sa kahabaan ng Rizal Ext. Ave. Brgy. 48, 3rd Avenue nang maispatan ng mga ito sina Edward Bulo, 23 at Vergel Ronson, 37, na nag-aabutan umano ng ilegal na droga.
Kaagad inaresto ng mga pulis ang mga suspek at narekober sa kanila ang isang disposable lighter at apat na plastic sachets na naglalaman ng 2 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P13,600 ang halaga.
Alas-11:58 ng gabi nang makuhanan din ng Caloocan Police Sub-Station 6 ng isang sachet ng shabu na nasa P4,080 ang halaga si Rochelle De Guzman, 38, sa 174 Reparo Road Baesa St. Brgy 161 habang nakatakas ang kanyang dalawang katransaksyon.
Timbog din si Demil Duque, 39, at Richard Sayce, 30, matapos makuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ng mga pulis at barangay opisyal na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Libis, Orkana Brgy. 20, alas-11:58 ng gabi.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna