Arestado ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU team si Paulo Rejuzo, 26, Alexander Calub, 38, Richmon Laguna, 27, Aeriel Vincent Corneta, 22 sa buy bust operation sa Unit-4 Trinidad Building West Service Road, Paso De Blas, Valenzuela city. Nakumpiska sa kanila ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200.00 ang halaga, apat na cellphones, P500 buy-bust money, P590 cash at ilang drug paraphernalia. (RIC ROLDAN)
Nasakote ang limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 17-anyos na estudyante na narescue sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City..
Kinilala ang mga naarestong suspek na si Paulo Rejuzo, 26 ng Bagong Sikat, Purok 4 Mapulang Lupa, Alexander Calub, 38 ng Home Centrum Subd. Mapulang Lupa, Richmon Laguna, 27, Aeriel Vincent Corneta, 22 ng Guansing St. Marulas at ang 17-anyos na Grade 8 student.
Ayon kay PSMS Fortunato Candido, dakong 11:50 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega ng buy bust operation sa Unit-4 Trinidad Building West Service Road, Paso De Blas kung saan nagawang makabili ng isang pulis na nagpanggap na buyer kay Rejuzo ng P500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ni Rejuzo ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba habang naaktuhan naman ang iba pang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay, kasama ang narescue na menor-de-edad.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200.00 ang halaga, apat na cellphones, buy-bust money, P590 cash at ilang drug paraphernalia. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA