
Niyanig ng 5.7 magnitude na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental nitong Lunes ng hapon, 12 Setyembre.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na naitala ang lindol na may lalim na 27 kilometro, 173 kilometro timog, 60 degrees silangan ng Tarragona, Davao Oriental na tumama dakong alas-4:14 ng hapon.
Dagdag ng ahensiya, naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III – Tarragona, Davao Oriental
Intensity II – Davao City; Mati City, Manay at San Isidro, Davao Oriental
Intensity I – Banaybanay, Davao Oriental
Idinagdag ng Phivolcs na bagamat walang pinsala, inaasahan ang mga aftershocks.
More Stories
BATO BALAK BISITAHIN SI DUTERTE SA THE HAGUE: MAGWI-WIG AKO
PAMILYA MUNA
Arrival honors ng bagong QCPD chief ginanap sa Camp Karingal