December 25, 2024

4TH IMPACT NAKAPANOOD NG TAYLOR SWIFT CONCERT WALANG PANTUSTOS SA 200 FUR BABIES?

ANO ito? Garapalang panggagamit sa kanilang mga fans, pati mga alaga nilang aso ginamit din nila. Kayo talagang 4th impact, ano iisipin ng mga fans at basher ninyo? May pangtustos kayo sa Taylor Swift concert, pero wala kayong pantustos sa mga aso ninyo.

“Kaya hindi sila sumikat nang todo, pati mga alaga nilang 200 na aso ginagamit nilang pangkalakal. Iisipin tuloy ng mga tao na iyong fundraising nila ay mauuwi lang sa mga bulsa nila.

“Sana raw bago sila nag-alaga ng mga aso, inisip nila na parang tao rin iyan na isipin mo kung kaya mo itong maitaguyod. Hindi biro ang mag-alaga ng isa o dalawang aso, tapos dalawang daan pa?

“Kung ako sa 4Th Impact, pamigay n’yo na lang iyang mga aso ninyo sa mga fans. Maaalagaan pa iyan, hindi iyong nagagamit ninyo sa pamamalimos ang mga aso ninyo.

“Siguro sapat na iyong kumita na kayo sa views, ng inyong social media at sa YouTube channel ninyo. Gamit na gamit n’yo na mga fur babies ninyo,” mataray na sermon ni Miss. Bubuwit na aking source.