November 23, 2024

49th Metro Manila Film Festival Parade idinaos sa CAMANAVA

IPINAGDIWANG ang 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) kung saan tampok ang mga float ng sampung pelikulang kalahok ngayon taon para i-promote ang mga ito.

Nagsimula ang kick-off program sa Navotas Centennial Park sa pamamagitan ng mga mensahe at pagbati mula kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes, at mga mayor ng lungsod ng CAMANAVA na sina Mayor Wes Gatchalian, Mayor John Rey Tiangco, Mayor Dale Gonzalo Malapitan, at Mayor Jeannie Sandoval na nagpahayag ng kanilang suporta sa taunang pagdiriwang.

Nagpasalamat naman si Mayor Tainco sa MMDA, sa pagbibigay ng oportunidad na maging bahagi ang Lungsod ng Navotas ng Parade of Stars. “Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino!” aniya.

Matapos ang programa sa Navotas Centennial Park, sinimulan na ang parada ng mga makukulay na floats sakay ang mga artistang gumanap sa sampung pelikulang kalahok sa MMFF.

Ang sampung pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon ay kinabibilangan ng Firefly, When I Met You In Tokyo, Rewind, Broken Hearts Trip, Mallari, Penduko, Gomburza Family Of Two, K(a)mpon, At Becky & Badette. Ang MMFF 2023 ay bumalot sa makulay na kultura at kasaysayan ng bansa sa pamamagitan ng modernong pagkukuwento.

Ang Valenzuela City ang nagsilbing end-point ng parada, kasunod ng closing program at film showing sa Valenzuela City People’s Park and Amphitheatre kung saan dinumog ng tone-toneladang Valenzuelanos para saksihan ang movie entries ng MMFF 2023 bilang bahagi ng pagtatapos ng ika-400 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.