
Mahigit sa 47,000 inbound at outbound passengers ang naitala sa buong bansa nitong Eastern Sunday.
Sa abiso nitong umaga, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na higit sa 25,000 pasahero ang nag-travel outbound, habang 22, 644 ay inbound.
Nasa ilalim pa rin ng heightened alert ang mga districts at stations ng PCG, at nagpakalat ng mahigit 3,000 frontline personnel.
Ayon sa PCG, nainspeksyon ng kanilang mga tauhan ang 210 barko at 191 motor bancas.
Kamakailan ay inanunsyo ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na naka-heightened alert pa rin ang kanilang operating units hanggang Abril 3.
More Stories
“Sama-Sama, Lakas Marikina!” sigaw ni Tope Ilagan sa pagtakbo bilang Konsehal sa Unang Distrito ng Marikina City
LBC Mabini, Batangas nilooban: 5 parcel ng alahas na halos P420K, tinangay ng magnanakaw
Ian Sia Out sa Halalan: Diskwalipikado Dahil sa Birong Laban sa Single Moms