NAKA-monitor ngayon ang pulisya sa may 430 opisyal ng barangay na sinasabing may link sa ilegal na droga.
Ayon kay PNP Public Information Office chief, Brig. General Redrico Maranan, sinimulan na anya nilang mag-case buildup laban sa mga nasabing opisyal ng barangay — 115 dito ay mga chairman habang ang mga natitira ay mga kagawad.
“We will have a case build-up and they will be subjected to anti-illegal drugs operations,” ayon kay Maranan.
Sa tala, ang Western Visayas di umano ay may pinakamalaking numero (76) ng mga opisyal na diumano’y sangkot sa droga. Sinusundan ito ng Central Luzon na may 67 at Bicol na 53.
Sa Metro Manila, anim na barangay officials ang minamanmanan na.
Nagbabala si Maranan na patuloy na tutugisin ng PNP ang mga barangay officials na dawit sa droga kahit pa sila maihalal sa darating na eleksyon sa Oktubre.
“Even if you win the elections, the monitoring of the PNP at PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) on your activities will continue,” anya.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO