Umakyat na sa 43 katao ang nasawi dulot ng Bagyong Agaton.
Ayon kay NDRRMC spokesman Mark Timbal, pumalo sa 37 ang death toll sa Leyte province, tatlo sa Central Visayas at tatlo sa Davao Region.
Gayunpaman, nilinaw ni Timbal na ang numerong ito ay napapailalim pa rin sa validation.
Batay sa pinakahuling situation report ng NDRRMC, pitong indibidwal ang nawawala habang walo ang nasugatan dahil kay Agaton, na humina at naging low-pressure area noong Martes ng gabi.
May kabuuang 34,583 katao ang inilikas at kasalukuyang nananatili sa 348 evacuation centers.
Samantala, may kabuuang 580,876 na indibidwal ang naapektuhan, habang 341 na bahay at 1,851.5 ektarya ng mga pananim ang nasira.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA