November 5, 2024

426 BAGONG SUNDALO NATAPOS INFANTRY ORIENTATION COURSE SA RIZAL

PORMAL nang natapos ng 426 na bagong sundalo ang kanilang Infantry Orientation Course training sa ginanap na closing ceremony sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal nitong Nobyembre 30.

Natapos ng mga young soldier ang kanilang 45 araw na INFOC training upang tulungan sila na i-adapt at malampasan ang hirap at hamon ng pagiging isang infantryman.

Nanggaling ang mga proud member ng INFOC Classes 04, 05 at 06-2022 mula sa iba’t ibang Philippine Army Major Units, kabilang ang 2ID, Finance Center, Philippine Army, Army Aviation Retirement (AAR) at 14th Installation Management Battalion (14IMB) ng Installation Management Command. Malapit na silang i-deploy sa iba’t ibang line units para tumulong sa kampanya na wakasan ang insurgency sa kanya-kanyang respective areas of responsibility ng kanilang unit.

Bilang paggunita sa 156th birth anniversary ng bayaning si Gat Andres Bonifactio noong araw ding iyon, binanggit ni 2ID Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong ang mga sikat na linya ng founder ng KKK sa mga sakripisyo ng mga bagong sundalo.

“Yung mga sakripisyo na dinanas ninyo para lang maging sundalo, ito’y may kaakibat na sarkipisyo rin para naman sa bayan. Katulad ng mga kataga ng ating bayani na si Andres Bonifacio, ” Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.” Sana sa paggawa ninyo ng inyong mga misyon, saan man kayo makarating, ito palagi ang namumutawi sa isip at puso ninyo. Sa lahat ng inyong ginagawa, ito ay hindi lang para sa 2ID, kundi para sa ating bayan,” saad ni Maj. Gen. Capulong.