Upang higit na matugunan ng 33 na mga barangay sa Valenzuela City ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan at mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan nito, iginawad ni Sen. Win Gatchalian sa lungsod ang 42 mini dump trucks at 19 animal control trucks.
“Itong trucks, nakuha namin ‘yung idea noong pandemya. Nagkukumahog dito sa City Hall na mag-distribute ng mga food packs. That time, gusto namin ma-distribute ‘yung 200K plus food packs in one week. Nakita ko ‘yung truck natin saka pahinante, pila-pila ang pagde-deliver. Kaya napag-usapan namin ni Mayor, kung mayroong ganitong mga sasakyan, ang mga barangay na ang magpi-pick up para mas mabilis, imbes na ‘yung [truck pa ng] City Hall ang magde-deliver” ani Sen. Gatchalian.
Nagpasalamat naman si Mayor Rex Gatchalian kay Sen. Win sa ibinigay na mga sasakyan. “The multi-purpose mini dump trucks will be very useful to our barangays. In times of calamities, they can use them to haul relief goods from the ALERT Center to their respective barangays faster. Matutulungan na nila kami. Hindi na made-delay [ang tulong] kasi lahat sa City Hall pa manggagaling. At least, may sarili nang kapasidad ang mga barangay,” ani Mayor Rex.
Dahil sa inspirasyon mula sa sariling dog catcher vehicle ng Canumay West, naisip ni Sen. Gatchalian na bigyan lahat ng mga barangay sa lungsod ng sariling animal control truck upang maari nang makipag-ugnay ang mga tao sa kanilang mga barangay sakaling may isang ligaw na aso o pusa ang kukunin.
Ang mga kawani ng barangay na namamahala sa Animal Control trucks ay kailangan munang mabakunahan para sa anti-rabies bago payagan na manghuli at sasanayin din sila sa tamang paghawak ng mga hayop.
Ipinagmamalaki ni Mayor Rex na ang Valenzuela ang nag-iisang lungsod sa Pilipinas ang mayroong mga Animal Control Units sa antas ng barangay.
Ngunit labis itong nasiyahan sa mga barangay sapagkat patuloy nilang pinatutunayan na sila ay totoong kasosyo ng Pamahalaang Lungsod hindi lamang sa mga salita, kundi pati na rin sa mga gawa.
“Importante na makakilos ang mga barangay. At para makakilos sila, importante na may gamit sila” pagwawakas ng alkalde.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA