Aabot sa 42 katao ang nasawi kahit na nakatanggap na ang mga ito ng bakuna laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Batangas
Sa isinagawang pulong ng local Inter- Agency Task Force o IATF ay ibinalita ni Batangas Provincial Health Officer Dra. Rose Ozaeta, walo sa sampung mga namatay ay meron ng first dose ng vaccine habang dalawa dito ay fully vaccinated na.
Sinabi din ni Dra. Ozaeta na 42 o 2.9% ang kumpirmadong namatay matapos na mabigyan ng bakuna at ang naturang sampu sa mga nasawi ay tinamaan ng COVID-19 habang ang ibang namatay ay walang sintomas ng nasabing pandemic virus.
Dahil dito, naalarma ang IATF sa Batangas at iniimbestigahan na rin ng mga ito ang 32 na iba pang mga namatay dahil mga fully vaccinated na umano ang mga ito.
Iniulat din na nasa 56 o 4% sa mga binakunahan ang nagkaroon ng seryosong side effect at labing siyam dito ang binawian ng buhay ng hindi inaasahan.
Umabot naman sa 1, 313 ang nakaramdam ng minor side effect at nasa 676 ang nagkaroon pa rin ng COVID-19 kahit nakatanggap na ng bakuna na kung saan ay 587 ang active cases at 79 dito ang nakarekober na o gumaling.
Wala naman tugon si Dra. Ozaeta kung bakit hindi naprotektahan ng bakuna ang mga namatay dahil sa kakulangan ng datos. Samantala sinabi naman ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, na ang community transmission ng Delta variant ng covid-19 ay mahirap ng matukoy at hindi na malalaman ang koneksyon ng mga nagsusulpotan na kaso nito sa Calabarzon at Metro Manila. (KOI HIPOLITO)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE