November 24, 2024

401 PATAY SA COVID-19

Muling pumalo sa 12,225 ang bilang ng bagong kaso SARS-CoV 2 na naitala ng Department of Health ngayong April 9.

Medyo mataas din ang naitalang mga bagong recoveries na umabot ngayon sa 946 gayundin ang naitalang namatay sa sakit na nasa 401.

Ang kabuuang bilang na ngayon ng tinatamaan ng naturang sakit sa bansa ay sumampa na sa  840,554 ; ang mga gumaling naman ay  umabot na sa 647,683 habang  14,520 naman  sa mga pumanaw.

Habang nasa 178,351 naman ang aktibo pang mga kaso na karamihan ay mga mild cases na nasa 97.5% habang 1.4 % naman ang asymptomatic.

Nasa 37 naman ang duplicates na inalis sa total case counts kung saan 18  ang recoveries.

Bukod dito, mayroong 213 kaso na na-tag  bilang recoveries ang nareclassify bilang deaths matapos ang pinal na validation. Kaugnay nito, muling nanawagan ang DOH sa lahat na ipagpatuloy ang karampatang pag-iingat , sumunod sa mga health protocol at minimum public health standards upang sa gayun ay hindi na kumalat pa ang sakit at mapanatili ang pagbaba ng mga kaso,