November 5, 2024

400K WORKER TAMBAY SA ECQ

Umaabot na sa 444,000 ang mga nawalan ng hanap buhay sa Metro Manila, dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, karamihan sa mga naapektuhan ang kabuhayan ay ang mga nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Maging ang mga nasa trabahong “no work, no pay policy” ay ramdam na rin ang mabigat na epekto ng quarantine restrictions.

May mga maliit na negosyo ring nawalan ng mga tauhan, dahil hindi makabyahe ang mga ito dahil sa ECQ.

Samantala, ang tourism industry ay mananatili pa ring sarado, kaya hindi pa maaaring tumanggap ng bookings ang ilang hotels at restaurants para sa mga nasa loob ng ECQ areas.

Giit ni Lopez, tanging sa mga lugar na nasa general community quarantine at modified general community quarantine lamang maaaring makapag-operate ang mga establishimento para sa turismo at kahalintulad na aktibidad.