November 2, 2024

40 MAG-ASAWANG NAVOTEÑO KINASAL MAYOR TIANGCO SA V-DAY


Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor Toby Tiangco ang mass wedding para sa 40 mag-asawang Navoteño, kasabay sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Tumayo bilang mga saksi sa seremonya si Congressman John Rey Tiangco, Vice Mayor Clint Geronimo at ang iba pang mga opisyal ng lungsod. (JUVY LUCERO)

ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang nasagawa ng mass wedding para sa 40 mag-asawang Navoteño, alinsunod sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Si Mayor Toby Tiangco ang nanguna sa civil wedding habang si Cong. John Rey Tiangco, Vice Mayor Clint Geronimo at ang iba pang mga opisyal ng lungsod ay tumayo bilang mga saksi sa seremonya.

Isinasagawa ang taunang Kasalang Bayan para hikayatin ang mga live-in partner sa lungsod na gawing legal ang kanilang pagsasama.

Binati ni Mayor Tiangco ang mga bagong kasal at hiniling na magsilbing mabuting halimbawa sa kanilang mga anak.

“Dito sa ating lungsod, isinusulong natin ang pagkakaroon ng isang buo at masayang pamilya. Itinataguyod natin ang kahalagahan ng bawat pamilyang Navoteño at ang lahat ng miyembro nito,” aniya.

“Tayong mga magulang, hindi tayo pwedeng maging mahina dahil nakasalalay sa atin ang pananatiling buo ng ating pamilya. Nakasalalay sa atin ang maayos na kalagayan at kinabukasan ng ating mga anak kaya mahalin ninyo nang lubos ang isa’t-isa at ingatan ang inyong mga pamilya,” dagdag niya.

Kabilang sa mga bagong ikinasal si Eduardo Ramandaban, 55, at Corazon Ani, 50, na nagsasama na sa loob ng 33 taon at nagpalaki ng limang anak.

Pinayuhan naman ni Cong. Tiangco ang mga mag-asawa na patuloy na magmahalan at suportahan ang isa’t isa.

“Ang pagsasama ng mag-asawa, na higit pang pinatatag ng kasal, ay nagiging pundasyon rin ng matatag na pamilya na siyang bumubuo sa isang matatag na komunidad. Panatilihin po ninyo ang alab ng pagmamahal at masugid na pagsuporta sa isa’t isa,” sabi niya.

Bukod sa Kasalang Bayan, binuksan din ng pamahalaang lungsod ang Kalye Pag-ibig bazaar sa Navotas Citywalk at Amphitheatre na bukas araw-araw mula 14 hanggang 20 Pebrero, 5:30pm-10pm. (JUVY LUCERO)