December 27, 2024

40 KATAO NAG-SUICIDE SA PANGASINAN


NAKAPAGTALA ang Pangasinan Provincial Police Office ng 40 suicide cases sa unang bahagi ng 2021.

Ito ang ibinunyag ni Police Major Arthur Melchor, PPO public information officer sa isang panayam.

Ayon sa isinagawang virtual meeting kamakailan lang ng lahat ng hepe ng pulisya sa lalawigan, na ang pinakabatang nag-suicide sa nasabing lalawigan ay ang 10-anyos mula sa bayan ng Anda, habang 71-anyos naman mula sa Mapandan.

Depresyon ang unang motibo sa pagsu-suicide ng mga ito, na sinundan ng problema sa pamilya, pinansiyal at trabaho.

Noong 2020, umabot sa 101 suicide  cases ang naitrala ng PPO mula Enero hanggang Disyembre.

Upang labanan ang patuloy na pagsipa ng suicide sa lalawigan, inatasan ang mga hepe ng pulisya na makipag-ugnayan sa local health officers, health units at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Dapat makipagtulungan sa mga concerned agencies at offices upang maiwasan ang bilang nito,” wika ni Melchor.