HINDI pinapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ng Bureau of Immigration (BI) officers ang apat na dayuhang nagpapanggap bilang “revisiting tourists” pero hinihinalang naghahanap ng illegal na trabaho.
“Our country is a ‘no-go zone’ for those who use tourism as a cover for such schemes. Aliens who attempt to enter to abuse the country’s hospitality will be denied entry,” ayon kay BI chief Norman Tansingco.
Nabatid na hinarang ng BI officers ang tatlong lalaking Vietnamese na nakilalang sina Truong Quang Than, 28; Bui Van Chi, 26; Ngo Dan Tuong, 22; at babaeng si Nguyen Hoang Minh Huy, 19.
Dumating ang apat lulan ng Philippine Airlines flight mula Hanoi at sinabing na naglalakbay sila para sa tourism purposes.
Sa beripikasyon, nagbigay ng hindi magkatugmang mga pahayag ang apat kaya nagduda na ang mga tauhan ng BI.
Umamin ang apat na matagal na sila nanatili sa bansa hanggang pitong buwan at umamin ang isa na nagtrabaho sa catering business sa kanyang nakaraang pananatili sa bansa. Inilagay sa immigration blacklist ang apat para hindi na makapasok muli sa Pilipinas. (ARSENIO TAN)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE