December 26, 2024

4 swak sa “Oplan Bolilyo” sa Batangas

BAUAN, BATABGAS – Himas-rehas na ngayon ang apat na sugarol kabilang ang isang operator ng iligal na sugal na “Beto” sa isinagawang Oplan Bolilyo anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group- Provincial Force Unit (CIDG-PFU), Batangas 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) sa Barangay San Roque, ng nasabing bayan nuon araw ng biyernes bandang 9:30 ng gabi.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina  Mark Belga, Bet Collector ng naturang iligal na sugal at ang mga mananaya na sina Anthony Pasia, Nathaniel Calusag, Rey Closa, mga nasa hustong gulang at pare-parehong residente sa naturang barangay.

Base sa ipinadalang report ni Batangas CIDG Chief P/Lieutenant Colonel Benedick Poblete kay CIDG Director Major General Eliseo DC. Cruz, nag-ugat ang nabanggit na operasyon dahil sa sumbong ng mga residente at pamilya ng mga trabahador ng mga kumpanyang malapit sa itinayong Amusement Fair o “Peryaan” na may kasamang mga iligal na pasugalan tulad ng color games, beto, at drop balls.Nakumpiska ng mga pulis sa lugar ang mga sumusunod: bet money na nagkakahalaga ng P1,730.00, isang set of Beto compose of 3 pcs. of dice, small saucer (pangalog), isang wooden box.

Hindi naman inabotan ng mga otoridad ang maintainer at operator ng pasugalan na si alyas “Tina” na itinuturong katiwala umano ng isang Tessie Rosales.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602) as Ammended by Republic Act. 9287 (Illegal Gambling) in Relation to CIDG Intensified Anti-Criminality Operations (CIACO) ang mga nakakulong ng suspek sa CIDG Holding Facility sa Batangas. (KOI HIPOLITO)