PATAY ang apat na tauhan ng 40th Infantry Battalion sa pananambang ng mga miyembro Dawlah Islamiya terror group sa Maguindanao del Sur.
Ang mga nasawi ay isang corporal at tatlong private ranks. Hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng apat na sundalo.
Ayon kay Brigadier General Oriel Pangcog, commander ng 601st Army Brigade, pabalik na sana ang mga sundalo sa kanilang kampo mula sa pang-araw-araw na gawain nang pagbabarilin ng mga terorista sa Brgy. Tuayan dakong 10:00 ng umaga.
Ang mga tinambangang sundalo ay inatasang bumili ng pagkain para sa “iftar” o ilalatag na pagkain ng mga Muslim pagkatapos ng kanilang fasting sa panahon ng Ramadan.
“The soldiers were doing community service when attacked,” reaksyon naman ni 6th Infantry Division commander, Maj. Gen. Alex Rillera.
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela