

Nasakote ang apat na tauhan ng Armed Forces of the Philippines matapos makipaghabulan sa mga pulis ng San Simon Municipal Police Station sa Pampanga kahapon, Abril 8.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente matapos dumulog at nagreklamo ang isang residente na limang araw na umano siyang sinusundan ng mga suspek.
Nang respondehan ito ng mga pulis, nauwi ito sa habulan at pagkakaaresto ng tatlo sa kanila; sugatan naman ang isa.
Nabawi mula sa mga suspek ang dalawang baril, communication radios, mga ID, at isang digital camera. Nahaharap sila sa kasong unjust vexation, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at election gun ban. (MG)
More Stories
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela