NAKATANGGAP ang apat na programs ng local government-run Quezon City University (QCU) ng Level 1 Accreditation mula sa Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA) matapos ang mahigpit na accreditation process.
Kabilang sa apat na programs ay ang Bachelor of Science in Information Technology, Bachelor of Science in Electronics Engineering, Bachelor of Science in Industrial Engineering at Bachelor of Science in Entrepreneurship.
Peronal na tinanggap ni Quezon City University President, Dr. Theresita Atienza ang sertipikasyon sa ngalan ng unibersidad mula kay ALCUCOA President and Executive Direcor, Dr. Raymundo P. Arcega sa Faculty and Staff Convocation 2022 na isinagawa sa QCU.
Sinaksihan din ng iba pang opisyal ng QCU, deans of programs at area program chairpersons ang awarding ceremony.
“We congratulate QCU for its latest achievement. This is a proof of our steadfast desire to provide QCitizens with an excellent educational program that is at par or even exceeds the standards set by private learning institutions,” ayon kay QC Mayor Joy Belmonte. “Our sincerest gratitude to Mayor Joy Belmonte and her administration for her full support in making QCU the best local government-run university in Metro Manila, if not the entire country,” saad naman ni Dr. Atienza.
Bilang accrediting body para sa local colleges at universities, ang ALCUCOA ay kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) upang i-examine ang educational operations ng local government-run universities at tiyakin kung nag-o-operate sila ng higit o hindi hihigit sa standards na itinakda ng higher education institutions.
More Stories
GAS TANKER TRUCK SUMALPOK SA BODEGA, NAGDULOT NG SUNOG; 1 PATAY, 28 NAWALAN NG BAHAY
CICC: SCAMS ISUMBONG SA 1326 HOTLINE (Imbes ilabas ang galit sa social media)
BuCor magsasagawa ng mga aktibidad para sa kanilang ika-119 Founding Anniversary