ARESTADO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration ang apat pang puganteng dayuhan na wanted sa mga awtoridad sa kani-kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa krimen.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang apat na wanted na mga dayuhan ay naaresto sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI sa Cavite at Makati City.
“They will all be deported for being undesirable aliens and will be included in our blacklist to prevent them from re-entering the Philippines. We will not allow our country to be used as a refuge for wanted foreign criminals,” sabi ng hepe ng BI.
Ang apat na dayuhan ay nakapiit ngayon sa BI detention center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang isinasagawa ang deportation proceedings.
Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, ang Korean na si Lee Choong Ho, 63, ay naaresto sa Bacoor City noong Feb. 27.
Si Lee ay target ng arrest warrant na inilabas ng Daegu district court sa Korea kung saan kinasuhan siya ng extortion sa umanoy pangingikil at pagtanggap ng 9.6 billion won o 7.4 million USD mula sa isang kababayan na kanyang tinakot at pinerwisyo.
Nito namang March 1, inaresto ni chief Sy sa Amorsolo Drive, Makati City ang Taiwanese national na si Wu Jheng Long, 34, na wanted ng district court sa Kaohsiung, Taiwan dahil sa pagiging kasapi ng sindikatong nagbebenta ng iligal na droga at telecommunications fraud.
Nang pareho ding araw, dalawa pang Taiwanese nationals na sina Chen Chien Ning, 53 at Yang Zong Bao, 31, ay nalambat sa Calumpang St. at Tamarind Road sa Makati City.
Si Chan ay may arrest warrant sa district prosecutor’s office sa Chiayi, Taiwan kung saan akusado ito sa pagiging miyembro ng sindikatong nagbebenta nf droga at nag-o-operate ng telecom at kidnap for ransom.
Si Yang naman ay wanted sa district prosecutor’s office sa Kaohsiung, Taiwan sa pagkakasangkot nito sa isang lihim na produksyon ng droga.
Nabatid na ang apat na dayuhan ay pawang mga undocumented nang arestuhin dahil ang kanilang mga pasaporte ay binawi na ng kani-kanilang gobyerno. (JERRY S TAN)
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund