Hindi makakasalang ang apat na volleybelles ng Team Rebisco sa AVC women’s club meet sa Thailand. Ayon kay PNVF President Tats Suzara, kailangang makumpleto nila ang additional requirements. Ito’y kaugnay sa local health protocols na ipinatutupad sa Ratchasima.
Hindi naman pinangalanan ng pederasyon kung sinu-sino ang apat na players.
“The four players’ swab samples weren’t immediately cleared by local health authorities. As the results were elevated to Bangkok where the main lab of Thai Dept of Disease Control is based,” saad ni Suzara.
Kaya, ikakamada muna sa Team Rebisco sina Kianna Dy at Majoy Baron mula sa Choco Mucho. Kailangan kasi ang minimum 10 players ang sasalang.
“You cannot have only eight players on a team which is bound to play so many number of matches,” ani Suzara.
“It’s a sound decision to balance the team—besides, all of the athletes in Thailand are members of the national team,” aniya.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR