June 28, 2024

4 PINAY NA BIKTIMA NG TRAFFICKING DUMATING NA MULA SOUTH KOREA

Muling nagbabala si BI Commissioner Norman Tansingco laban sa illegal recruiters. (ARSENIO TAN)

DUMATING na ang apat na babaeng Filipina na illegal na nagtatrabaho bilang entertainer matapos ipa-deport ng South Korea, ayon ulat ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Mactan Cebu International Airport (MCIA).

Sa ipinadalang report ni Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) Chief Bienvenido Castillo III kay BI Commissioner Norman Tansingco, nakauwi ang apat na Pinay noong June 19 sakay ng Jeju Air Flight mula South Korea matapos silang ikulong dahil sa illegal na pagtatrabaho bilang entertainers na walang kaukulang work visa sa kanilang rehiyon.

Ayon ka Castillo, inalok umano ng trabaho ang mga biktima ng isang Filipino recruiter sa pamamagitan ng Telegram at inutusang kitain ang isang Koreano na nangako umanong aayos sa kanilang mga dokumento. Pinangakuan din umano ang mga biktima ng buwanang sahod na aabot sa P80,000.

“Inalok ako ng trabaho bilang entertainer at nagbigay ng instruction na kitain ang isang Koreano upang ibigay ang kailangang requirements,” salaysay ng biktima.


Paliwanag ni Tansingco dahil sa kanilang kalagayan, nag-overstay ang apat na Pinay kaya hinuli sila ng Korean authorities.

“Pagdating sa Korea, two weeks kaming nag trabaho bilang entertainer. Ang isang kasamahan naming Thailand national, na may asawang Koreano, ay nag subong. Pagkatapos, kami ay nadetain nang halos isang lingo,’’ saad ng isa sa mga biktima. 

“These women suffered exploitation and they ended up detained without receiving their rightful wages, all due to deceptive assurances. We remind the public to always beware, as these deceitful recruiters paint a rosy picture of hope but often leave you in despair. If something feels off or seems too good to be true, trust your instincts,”  giit ng BI chief. (ARSENIO TAN)