PATAY ang apat katao habang nasa 30 naman ang sugatan nang sumiklab na kaguluhan sa loob ng Caloocan City Jail (CCJ) nitong Lunes ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Arturo Biasa; Hans Omar, kapwa miyembro ng Commando Gang; Sherwin Perez; at John Patrick Chicko, mga miyembro ng Sputnik Gang.
Tinatayang nasa mahigit kumulang sa 30 Person Deprived of Liberty (PDL) ang mga sugatan na hindi pa pinangalanan.
Sa paunang ulat na nakarating kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina Jr, naganap ang riot dakong alas-3:30 ng hapon sa loob ng CCJ sa Barangay 20 ng lungsod kung saan nagrambulan ang mga miyembro ng Sputnik at Commando (PDL).
Base sa inisyal na imbestigasyon, naglalaro umano ng cara y cruz ang mga PDL nang mauwi ang mga ito kaguluhan.
Agad naman pinayapa ng mga nakatalagang jail guard ng Caloocan City Jail ang kaguluhan, subali’t matapos nito ay tumambad sa kanila ang apat na walang na katawan ng mga biktima sa naturang riot at marami ang sugatan.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang Caloocan police hinggil sa nasabing insidente. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA