PATAY ang apat na katao habang 21 naman ang naitalang mga nasugatan sa nangyaring magkakahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Cavite kahapon.
Ayon sa ipinadalang report ng Cavite Police Provincial Office sa Calabarzon Police Regional Office sa Camp Vicente Lim, bumangga sa puno ng akasya ang isang Mitsubishi L300 Van na kulay puti at may temporary plate na Y2J856 na minamaneho ni Jether Ayuban, makaraang makatulog habang nagmamaneho bandang alas-4:30 ng umaga sa Barangay Sabang ng Naic Cavite.
Agad binawian ng buhay ang tatlong babaeng pasahero nito na sina Jamie Vasquez, Norilie Vasquez at si Lea Vasquez , habang dinala sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang driver na si Ayuban (driver ng van) at sina Bernardo Taño, Ariel Rivera, Geronimo Canaway, Preciliano Pante Bry Latoria, Ralph Noel Vasquez at limang iba pang pasahero na hindi pa nakikilala.
Dead on arrival naman sa ospital ang isang rider ng Honda Click 125 na may plakang KCVJ1048748 na si Cijhay Dilao, 26, residente ng Sitio Carapiohan, makaraang aksidente makabanggaan ang minamanehong motorsiklong Keeway Cafe Racer may plakang 7860RP na minamaneho naman ng rider na si Armando Mission, 53, residente ng Purok Uno, Barangay Tejero ng General Trias City, sa Barangay San Juan 2 ng nasabing lungsod, bandang 10:30 ng gabi.
Naisugod pa sa Divine Grace Medical Center ang dalawang rider subalit hindi na umabot ng buhay si Dilao, ayon sa mga rumespondeng doktor.
Nagsalpukan din ang isang JAC Tractor Container na may plakang NDL3917 na minamaneho ni Darwin Recaplaza at ang Toyota Hí Ace Van with plate number DAJ9703 ng driver na si Roberto Paglinawan, sa Centenial Highway corner Advincula Road,Barangay Magdalo-Putol ng Kawit Cavite.
Mabilis naman naitakbo sa pinakamalapit na ospital ng mga rumespondeng barangay officials at mga kagawad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang siyam na pasahero sanhi ng mga tinamong galos, sugat at pilay sa katawan na sina Renato Alastra, Anita Villasin, Alexander Abogado, Alonica Bertis, Emilyn Sotto, Emma Cabansay, Marilyn Papiona, Marissa Salazar at si Sharon Quinte.
Inaalam na din ng mga otoridad kung colorum ang mga van na involved sa magkakahiwalay na aksidente. (KOI HIPOLITO)
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI