SA magkasunod na dalawang araw, apat ang nadagdag sa talaan ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Malabon city kung kaya umabot na sa 119 ang mga nasawi sa naturang sakit sa lungsod.
Ayon sa City Health Department, ang mga nasawi sa naturang sakit nung August 3 ay mula sa barangay mula sa Baritan at Muzon habang nung August 4 ay mula sa Catmon at Tugatog.
Naitala naman nung Martes, August 4 ang 196 na pinakamaraming bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa lungsod kung kaya’t umabot na sa 1,283 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa naturang sakit sa Malabon.
Nasa 75 naman ang nadagdag na kompirmadong kaso kung kaya umabot na sa 2,096 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, 694 dito ang aktibong kaso.
Samantala, huling datos naman ng Navotas City hanggang alas-8:30 ng gabi ng August 3, nasa 2,553 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod matapos 16 ang nadagdag na nagpositibo, 1,462 dito ang active cases, 993 ang mga gumaling makaraang 43 ang nadagdag sa mga recovireis at 98 ang binawian ng buhay.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey Tiangco kina Health Sec. Francisco Duque III at Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon, kasama sina Usec. Bong Vega, Usec. Ted Herbosa at Dr. Paz Corrales sa pagbisita nila sa Navotas at sa donasyon na 1,000 test kits at 5,000 sets ng PPE.
“Dahil sa tulong po nila, nabigyan tayo ng oportunidad na makapaghandog ng libreng mass testing at nabibigyan ng pansamantalang matutuluyan ang ating mga pasyente na asymptomatic o may mild symptoms”, pahayag ng Tiangco brothers.
Sa ngayon, anila bukod sa dalawang local community isolation facilities, meron pang pitong pasilidad na pinagdadalhan ng mga pasyente. Mahalaga po ang pagkakaroon ng sapat na isolation facilities para maiwasan ang hawaan sa tahanan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY