November 5, 2024

4 nadakma sa droga sa Valenzuela

ARESTADO ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa magkahiwalay na buy bust operation sa Bukid ext. Brgy., Balangkas at BSOP Bukid, Brgy., Karuhatan, Valenzuela City sina Francisco Espinosa alyas “Bobo”, 53, Dean Oliver Jeciel, 27, Vincent Guzman alyas “Bunso”, 19 at Jumer Guzman, 31. Nakuha sa kanila ang nasa 11 grams ng hinihinalang shabu na nasa P74,800 (RIC ROLDAN)

Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-5 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre ng buy bust operation sa BSOP Bukid, Brgy., Karuhatan.

Agad sinunggaban nina PCpl Noriel Boco at PCpl Maverick Jake C Perez sina Vincent Guzman alyas “Bunso”, 19 at Jumer Guzman y, 31, maintenance, matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu si PSSg Robbie Vasquez na umakto bilang poseur-buyer.

Nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, marked money, P140 cash at dalawang cellphones.

Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLTJoel Madregalejo sa buy bust operation sa Bukid ext. Brgy., Balangkas alas-2 ng madaling araw Francisco Espinosa alyas “Bobo”, 53, at Dean Oliver Jeciel, 27.

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, narekober sa mga suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, P500 buy bust money, P700 cash at cellphone.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)