Kalinga – Sinunog at sinira ang apat na ektaryang taniman ng mga pinaghihinalaang mga dahon marijuana ng mga pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad sa pangunguna ng Regional Police Drug Enforcement Unit/ Regional Intelligence Division/Regional Special Operations Group(RPDEU/RID/RSOG) ng Police Regional Office ng Cordillera (PRO COR), Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit (PIU/PDEU) Kalinga, Tinglayan Municipal Police Station, 1502nd, 1503rd company, Regional Mobile Force (RMFB 15) 2nd company, Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), nuon araw ng biyernes sa Brgy. Loccong, Tinglayan sa Kalinga.
Base sa ulat na ipinadala ni Cordillera Regional Director, PBGen. Ronald Lee kay PNP Chief PGen.Guillermo Lorenzo Eleazar, aabot sa humigit kumulang na P13,464,000 ang estimated street market value ng mga sinunog na dahon ng marijuana.
Ayon kay PGen. Eleazar, ang pagkakadiskubre sa 6,900 square meters land area ay nagsimula sa ibinigay na intelligence report ng mga operatiba ng RID PRO COR at ng PIU Kalinga tungkol sa nasabing marijuana plantation sa bulubundokin bahagi ng nabanggit na lugar sa Kalinga.
Sinabi pa ni Eleazar na batid ng PNP ang ilang parte sa Cordillera Region ay isa sa paboritong taniman ng marijuana dahil sa matataas na lugar dito kaya’t nagbabala ang PNP Chief sa mga nag-o-operate at nagtatanim ng mga ganitong bawal na halaman na lalo nilang pai-igtingin ang kanilang police operations para masugpo ang mga ganitong ilegal na aktibidades.
“We know how resourceful these Marijuana growers have been, but the PNP and PDEA are relentless in our pursuit under the Internal Cleanliness Policy as our share on the government’s aspirations of drug/crime-free country” pagtatapos ni Eleazar. (Koi Hipolito)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY