March 31, 2025

4 na pulis sugatan sa engkuwentro sa Guinayangan, Quezon

SUGATAN ang apat na pulis ng mauwi sa madugong engkuwentro ang paghahain sana ng Warrant of Arrest sa dalawang suspek na may kaso ng pagpatay makaraang manlaban ang mga ito kasama ang isa pa nilang kasabwat na mga naunang magpaputok ng baril  laban sa mga pinagsanib na tropa ng Guinayangan Municipal Police Station at Regional Intelligence Unit (RIU 4A) ng CALABARZON at ng Regional Intelligence Division (RID) Police Regional Office 5, bandang 6:45 ng umaga nitong Biyernes (March 28, 2025) sa Barangay Manggagawa, Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang mga nasugatang pulis na sina 1.PCMS Crisologo M. Castillo, 44, miyembro ng Guinayangan PNP , 2. PEMS. Alex Maigue, 44,  3. PSSG. John James Red, na parehong miyembro ng Regional Intelligence Unit ng PRO 4A Calabarzon at si PCMS.Domingo Jalmasco, 42, na miyembro ng Regional Intelligence Division, PRO 5.

habang nakilala ang mga suspek na sina 1. Richard Rabe, 37, 2.Roy Armillo, na parehong residente sa Libon, Albay at ang kasabwat na si Mon Revera, 32, na tubong Camarines Sur.

Base sa ulat na nakarating sa PRO 4A ng CALABARZON pinuntahan ng mga otoridad ang pindgtataguang bahay ng mga suspek para isilbi ang Arrest Warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 14,5th Judicial Region ng Ligao City, Albay para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Agad na dinala sa Quezomd Provincial Network Hospital ang mga nasugatang pulis para lapatan ng lunas at kalaunan ay inilipat sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang isang nasugatang pulis.

Nagpapatuloy ang ginagawang manhunt at hot pursuit at dragnet police operation ng mga otoridad  ng Quezon Provincial Police Office, kasama ang mga Militar para madakip ang mga tumakas na tatlong suspek. (Erichh Abrenica)