Iprinesenta ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal dahil sa pagbebenta ng Gcash sa NBI office sa Araneta, Quezon City,
Kinilala ang mga suspek na sina Jay Cortez, Kevin Mark Maboloc, Jeffrey Miguel at Jeffrey Ilagan.
Nakatanggap ang NBI-Cybercrime Division ng impormasyon na mayroong mga Facebook account na sangkot sa umano’y trafficking ng Gcash account na nag-o-operate sa Quezon City at Tondo, Manila at isinasagawa ang kanilang negosyo via Facebook at Messengers.
Dahil dito, nakipag-transakyon ang operatiba ng NBI sa mga suspek gamit ang undercover Facebook account na nagresulta sa pagkakaresto ng mga suspek.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA