KULONG na ngayon ang apat na mga suspek na inirereklamo ng pangongotong sa mga driver ng mga “Baby Bus” na pumipila sa loob ng SM Bacoor City Terminal sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Bacoor City Police Station bandang 6:25 ng gabi nuon araw ng Sabado, September 23 ng taong ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Florante Padla, Jolie Sobiono, George Anthony Calamba at si Katherine Valbuena mga nasa hustong gulang.
Batay sa ulat ng pulisya dumulog sa kanilang tanggapan ang mga operator at driver na sina Mr.Palma at Yuson, upang ireport ang ginagawang talamak na pangongotong ng grupo ng mga suspek na humihingi umano ng isang daan piso kada biyahe sa mga driver bilang “butaw” dahil kung hindi umano magbibigay ay ipahaharang at ipapahuli sila ng mga suspek ang mga (driver) sa mga traffic enforcers ng Bacoor Traffic and Management Division (BTMD).
Narekober sa posisyon ng mga suspek ang mga perang nagkakahalaga ng 1.Ten Thousand and One Hundred Twenty Pesos (P10,120.00.), 2.Booklet na meron listahan ng mga pangalan ng driver at body buses number, 3. Ballpen 4. Apat (4) na piraso ng mga cellphones, 5. Identification cards (ID’s)at ang 6.One Hudred Pesos (P100.00.) cash money na ginamit na boodle marked money.
Matatandaan na nuon araw ng Martes September 19, 2023 ay inaresto ng Criminal Investigation and Detections Group (CIDG) ang dalawang pulis na sina Master Sargeant Joselito Bugay at Staff Sargeant Dave Gregor Bautista at isang sibilyan habang hindi naman naabotan sa kanyang opisina si Edralin Gawaran ang hepe ng Bacoor Traffic Management Division na itinuturong pasimuno ng pangongotong sa mga Transport Groups at kumukolekta ng halagang P135,000. kada buwan at nasibak din sa puwesto ang hepe ng Bacoor City PNP na si Lieutenant Colonel Jesson Bombasi dahil sa “one strike policy” na ipinapatupad ng Philippine National Police sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr.
Mahaharap sa kasong Robbery and Extortion ang apat na suspek na nakakulong ngayon sa Bacoor City Holding and Detention Facility. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA