
PATAY ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos sumalpok sa puno ang kanilang sinaksakyang Rusi motorcycle na walang plaka sa Brgy. Vigo, San Narciso, Quezon, Miyerkules ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang padre de pamilya na si alyas CJ, 23-anyos; asawa nitong si si Jessica, 19-anyos, Cheanne, 14-anyos; at Charmel, 6-anyos, pawang resisdente ng naturang lugar.
Ayon sa report ng San Narcisco PNP, nakasakay sina Jessica, Cheanne at Charmel sa motosiklong minamaneho ni CJ sa kahabaan ng San Andres-San Narciso Road nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela si CJ at bumangga sa isang puno.
Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon ang tatlong angkas nito sa isang kanal sa gilid ng kalsada.
Naisugod pa sa Quezon Provincial Hospital Network ang apat na biktima subalit idineklarang dead on arrival ng mga rumespondeng doktor. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA