NAILIGTAS ng mga kapulisan ang apat na batang babae mula sa online sexual exploitation sa serye ng mga operasyon sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City.
Ayon kay Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) chief Col. Portia Manalad, nasagip ang apat na menor de edad na babae matapos maaresto ang suspek na Australian national na sangkot sa trafficking ng kababaihan at online sexual exploitation sa Australia.
Nabatid na ang Australian Federal Police ang nakahuli sa suspek kung saan nakuha sa kanya ang child sexual abuse o exploitation materials, kabilang ang mga larawan ng apat na Filipino kaya agad itong nakaipag-ugnayan sa PNP.
“As a result, the AFP coordinated with the PNP for validation, victim location and possible rescue operation,” saad ni Manalad.
Isinagawa ang rescue operation noong Huwebes at Biyernes.
Dinala ang mga nailigtas na biktima sa WCPC office sa Camp Crame, Quezon City.Sinabi ni Manalad na hindi titigil ang kampanya ng PNP laban sa human trafficiking at exploition ng mga kababaihan at kabataan.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW