SUGATAN ang apat na magkakaanak matapos nilang awatin ang isang kapitbahay na nagwawala habang armado ng bolo knife sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nakapiit na ngayon habang nahaharap sa kasong paglabag sa Art 155, Art 151, B.P. 6 at Physical Injury ang suspek na kinilala bilang si Joshua Rayos, 22 ng 217 Buraot st., Brgy. Sipac, Almacen.
Sa report ni PSSg Joseph Provido kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang nakaupo sa kahabaan ng Alley sa naturang lugar sina Matias Cruz, tricycle driver, Agustin Cruz, 53, aircon technician, Ronaldo Cruz, 41, security guard at Christian Cruz, 39, pawang residente ng 217 Buraot St. dakong alas-7 ng gabi nang dumating ang suspek at galit na nagbitaw ng masasamang salita sa kanila saka naghamon ng suntukan.
Iniwat ni Matias ang suspek na umuwi sa kanyang bahay subalit, makalipas ang ilang sandali ay bumalik ito na armado na ng isang bolo knife at galit na nagpatuloy sa panggugulo.
Kaagad siyang inawat ng mga biktima subalit, nagtamo sila ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan habang isinasagawa ng proseso. Napigilan lang suspek nang dumating ang rumesponding mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya at nakumpiska ang hawak niyang isang bolo knife.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE