NASA mahigit P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat drug suspects matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas Jhaz, 40, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagtutulak nito ng droga.
Matapos tanggapin umano ni ‘Jhaz’ ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer ng droga kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-3:15 ng madaling araw sa Kagitingan St., Brgy. Muzon, kasama sila alyas Pilay, 38, na bumili rin umano sa suspek ng shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70,040.00 at buy bust money.
Sa Navotas, natiklo naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa Lourdes Compund, Brgy. Daanghari bandang alas-12:19 ng hating gabi ang dalawang listed drug pusher na sina alyas Bagul, 34, at alyas Richard, 36, kapwa residente ng lungsod.
Sa ulat ni Capt. Sanchez kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha nila sa mga suspek ang nasa 5.29 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P35,972.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA