
ARESTADO sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police Ditrict ang apat na drug suspects sa Cavite City nitong weekend kung saan nakabili ang poseur-buyer ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu.
Kinilala ang apat na sina Norodin Makalimpas, 27, ng Blk. 9. Baseco Compound, Port Area, Manila; Manilyn Odin, 28, ng Blk 9, Baseco Compound; Norayma Balayana, 27, ng Blk. 11, Lot 9, Alta Homes Sunnyvale, Molino III, Bacoor Cavite at Baby Ramos, 26, ng Blk. 15 lot 57, Molino III, Bacoor, Cavite.
Isinagawa ang operasyon dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Block 11 lot 9 St., Alta Homes Sunnyvale, Molino III sa Bacoor. Narekober sa kanila ang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000.
Sinampahan na ng karampatang kaso ang mga suspek.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon