KALABOSO ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.
Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas Jomar, 30, ng Brgy. Daanghari kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang report, agad bumuo ng team si P/Capt. Luis Rufo Jr., saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at sa kanyang kasabwat na si alyas Marvin, 42, dakong alas-12:33 ng hating gabi sa M. Naval St. Brgy. San Roque.
Nakuha sa mga suspek ang aabot 55.84 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P379,712.00 at buy bust money na isang P1,000 bill, kasama ang dalawang P1,000 boodle money.
Nauna rito, ala-1:34 ng madaling araw nang madakma naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation din sa M. Naval St., Brgy. San Roque ang dalawa pang tulak na sina alyas Olive, 48, at alyas Sonny, 50, kapwa ng lungsod.
Ani Capt. Rufo, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.57 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P71,876.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspeknsa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA