December 26, 2024

4 drug suspects arestado sa Caloocan


Arestado ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS-3) sina Renato Lingit, alyas “Banjing”, 54, Eduardo De Luna, 49, Rona Ibanga, 40, at Minnie Mendoza, alyas “Mimi”, 45, matapos maaktuhan nagtatransaksyon umano ng illegal na droga sa Masagana St., Brgy. 73, Caloocan city. Nakumpiska sa kanila ang anim na plastic sachets na naglalaman ng nasa 6.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P45,560 ang halaga at P300 cash. (RIC ROLDAN)

Arestado ang apat na hinihinalang drug personalites kabilang ang dalawang ginang matapos maaktuhan ng mga pulis na nagtatransaksyon ng illegal na droga sa Caloocan City, Linggo ng gabi.


Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina J rang naarestong mga suspek na sina Renato Lingit, alyas “Banjing”, 54, Eduardo De Luna, 49, Rona Ibanga, 40, at Minnie Mendoza, alyas “Mimi”, 45.


Ayon kay Col. Mina, dakong alas-10:45 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng West Grace Park Police Sub-Station (SS-3) ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activity sa Masagana St., Brgy. 73.


Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang apat katao na nagtatransaksyon umano ng illegal na droga subalit, nang mapansin ng mga ito ang mga parak na papalapit sa kanila ay nagtakbuhan sila sa magkakahiwalay na direksyon.


Hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner ang apat na mga suspek at nakumpiska sa kanila ang anim na plastic sachets na naglalaman ng nasa 6.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P45,560 ang halaga at P300 cash.


Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.