NAILIGTAS ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na dayuhan na ikinukulong umano ng kanilang kapwa dayuhan sa ginawang pagsalakay sa isang gusali sa Meadowood Street, Greenwoods Village, Taytay, Rizal.
Kinilala ni NBI Director Jimmy Santiago ang dalawang Chinese national na sina Wang Kun at Liu Xiao Xiao na naaresto sa raid na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003).
Nabatid na noong Oktubre 7, 2024, lumapit sa NBI ang isang Jinwen Yang para ihingi ng tulong ang kanyang kaibigan na si Siaw Ping Lim, isang Malaysian national, na ikinukulong ng kanyang Chinese employer na si Ma Shang Lai.
Isa umanong online scamming enterprise ang nasabing kompanya at may ilan pang call center na empleyado ang nakaranas ng katulad ng sinapit ni Lim.
Hindi pinapayagan lumabas ang mga empleyado, kinuha ang kanilang mga pasaporte ng employer at ikinukulong, upang hindi nila magawang tumakas.
Dahil dito, nagsagawa ng rescue operation ang NBI na naging dahilan para masagip si Lim at ang mga Chinese national na sina Lin Dong Bai, LinTan at Gan Lin Liong. (ARSENIO TAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA