January 23, 2025

4-DAY WORK WEEK NG NEDA, MAINAM KAYA SA MGA MANGGAGAWA?

Pinapanukala ng NEDA ang 4-day work week na maaaring solusyon ng mga obrero sa mataas na presyo ng langis. Gayundin sa kanilang pamasahe sa pagpasok sa kanilang trabaho. May ilang grupo ang sangayon sa planong ito.

Kabilang na ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at Federation of Free Workers. Pabor din rito ang Department of Labor and Employment (DOLE). Makatitipid kasi ang kompanya ng gugol sa kuryente at iba pang gastusin.

Samakatuwid, kung matutuloy, Mula Lunes hanggang Huwebes na lang papasok ang mga manggagawa. Malaking ginahawa ito para makasama nila ng mas mahabang araw at oras ang kanilang pamilya.

Gayunman, may ilang adbantahe at dis-adbantahe ang panukalang ito. Kung 4 na araw na lang ang pasok, mababawasan ang suweldo. Pero, maaaring ang isang araw na ibabawas ay idadagdag na lang sa working hours ng mga obrero. Lalabas na magtratrabaho sila ng 10 oras sa halip na 8 oras lang.

Nilinaw ng NEDA na iyon nga ang mangyayari. Kaya, walang dapat ipag-alala ang sektor ng mga manggagawa.

Sa gayun ay ganun pa rin ang maiuuwi nilang suweldo. May dapat isaalang-alang sa panukalang ito. Lalo na colsultation sa mga manggagawa at mga nagpapatrabaho. Hindi kasi aplikable sa iba na magtrabaho ng mas mahabang oras. May epekto kasi ito sa kalusugan at kalidad ng kanilang trabaho.

Mainam ang plano ng National Economic Development Authority sa isyung ito. Na sa panahong ito ay aplikable dahil sa lagay ngayon ng ekonomiya. Isang balaking makatutulong sa kapakanan ng mga obrero at ng mga pinapasukan nila.