Arestado ang apat na Chinese na kinabibilangan ng sinasabing leader ng mafia na nasa likod nang kumakalat na huwad na government-issued identification cards ( IDs ) at mga dokumento sa Palawan
Ayon kay BI intelligence division Chief Fortunato Manahan, Jr. sina Wang Tao, Li Xiaoming, Guo Zhi Yang, at Lyu Zhiyang pawang lalake ay nadakip sa Brgy. San Pedro sa Palawan City.
Tinukoy si Lyu, gumagamit ng alias na Ken Garcia Lee, na mastermind sa operasyon ng sindikato at kilala sa Palawan bilang fraud mafia leader.
Kay Lyu, sinasabing galing ang mga pekeng government-issued documents na gamit ng mga undesirable aliens at trafficking victims.
Sa naturang operasyon nakasamsam ang mga otoridad ng Philippines-issued IDs sa mga dayuhan kasama na ang lisensiya ng kanilang mga driver, postal IDs, at birth certificates.
Itinuturing ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang grupo ng suspek ang malaking sindikato lalo na at nakapaglalabas sila ng Philippine IDs sa mga dayuhang nagpapanggap na mga Filipino.
Katuwang ng BI sa isinagawang operasyon ang Naval Forces West, National Intelligence Coordinating Agency 4B at ang Armed Forces of the Philippines.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA