ARESTADO ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang empleyado ng city hall sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, kaninang madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Arnel Pedrosa, 43, ng B-39 L-2 Phase 3 F1 Dagat-Dagatan, Caloocan, Niño Abadiano, 44, Job-Order Employee ng Caloocan City Hall, Ramiro Bernabe, 44, kapwa ng 514 Bisig ng Kabataan, at Alan De Guzman, 42, ng Estaño St. Brgy. Tugatog.
Sa imbestigasyon ni PSSg Johnny Roy Camfoll, bandang alas-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ng buy-bust operation kontra sa mga suspek sa M. H Del Pilar corner Progreso Brgy. Tugatog.
Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P500 kay Pedrosa at Abadiano.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang inaresto ng mga operatiba, kasama si Bernabe at De Guzman matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu. Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 11.0 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P74,800 ang halaga at buy-bust money.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA