December 24, 2024

4 arestado sa cara y cruz sa Malabon

Apat katao ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng ilegal na sugal na “cara y cruz” sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang mga naarestong suspek na si Christopher Nuevo, 35 ng Mallari St. Brgy. San Agustin, Patrocino Cañete, 54, Ronald Velasco, 34, at Jesus Montante, 34, pawang ng Brgy. Longos.

Sa imbestigasyon nina PSSg Jose Romeo Germinal at PSSg Michael Oben, dakong 7:30 ng umaga, nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Blk 9, Labahita St. Brgy. Longos ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa pangunguna ni PSSg Meduard Reloj sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Venchito Cerillo.

Dito, napansin ng mga pulis ang mga suspek na naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz kaya’t nilapitan nila ang mga ito at inaresto.

Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang tatlong piraso ng piso na gamit bilang “Pangara” at P1,090.00 bet money. Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 as Amended by RA 9287.