November 3, 2024

4.2M JOBLESS PA RIN

Lalo pa umanong lomobo ang dami ng bilang ng mga Pilipino na nawalan ng trabaho mula nang magkaroon ng pandemya.

Iniulat ngayon ni National Statistician Claire Dennis Mapa na sa huling Labor Force Survey noong buwan ng Pebrero, umakyat pa sa 4.2 million ang nawalan ng trabaho.

Ito ay katumbas ng 8.8 percent na jobless na mga adults o may edad sa pagitan ng 15-anyos at pataas.

Ang pagdami pa ng mga nawalan ng trabaho sa huling survey ay mas mataas kumpara sa huling survey.

Paliwanag pa ni Mapa, ang unemployment rate ngayon ay ikatlo sa pinakamataas mula noong Abril ng 2020.

Noong panahong ‘yon ang siya namang peak ng nationwide lockdown upang maibsan ang pagkalat ng virus.

Samantala tinukoy din naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang sector na may pinakamalaking pagbaba ng mga nagtatrabaho ay ang mga sumusunod: accommodation and food service activities, administrative and support service activities, construction, mining and quarrying, electricity gas, steam at air-conditioning supply.

“Although the unemployment rate marginally increased to 8.8% in February 2021 from 8.7% in January 2021, the gradual reopening of the economy allowed more people to re-join the labor force,” ani Mapa.