Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasama si Vice Mayor Honey Lacuna ang pagbubukas ng walk-in COVID-19 Testing Center sa Judge Jose Abad Santos sa Binondo sa nasabing lungsod. NORMAN ARAGA
BINUKSAN na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ikatlong walk-in coronavirus disease (COVID-19) testing center sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) sa Numancia Street, Binondo ngayong araw.
Habang ang dalawa pang walk-in testing facilities na una nang inilunsad ay matatagpuan sa Ospital ng Sampaloc at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo.
Ayon kay Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso, layunin nito na magkaroon ng libre at madaling lapitan na COVID-19 testing sites sa lungsod upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
“Just to be true to our commitment that we will provide every corner of the city of free, accessible, and efficient testing,” saad niya sa kanyang talumpati.
“We will continue to engage in this direction… We will trace and trace, we will test and test, and we will continue to follow guidelines by DOH (Department of Health) with regard to gold testing… and we will isolate,” dagdag pa niya.
Ang pinakabagong testing center ay may kapasidad hanggang 300 na pagsusuri at maari pang madagdagan pa ng hanggang 500 test sa mga susunod na araw, ayon sa alkalde ng Maynila.
Libre para sa lahat ang serology test.
Balak din ni Domagoso na ilagay ang ikaapat na walk-in testing facility sa Ospital ng Tondo.
Bukod dito, naglagay din ng dalawang drive-thru COVID-19 testing centers ang lokal na pamahalaan sa Quirino Grandstand at sa tapat ng Andres Bonifacio Monument malapit sa city hall.
Mayroon na ring dalawang mobile serology testing clinics sa Pandacan at Tondo na nagsasagawa ng testing operation sa dalawang barangay kada araw.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY