Tinatayang tatlong libong residente ng Lungsod ng Maynila ang tumanggap ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng Assistance to Individual in Crisis Situation o AICS program.
Pinangunahan ni Senator Francis Tolentino ang pamamahagi ng financial assistance sa mga residente sa isang Barangay sa Malate at dalawa sa Tondo kasama ang Department of Social Welfare and Development NCR.
Katuwang ni Senator Tolentino sa pamamahagi ng tulong sa mga poor family ang mga kawani ng Brgy 775, Brgy 20, at Brgy 105 sa pamamahagi ng tulong para sa mga nasunugan, gumuho ang bahay, bed-ridden, educational, and medical, funeral, at iba pang Support Services.
Naniniwala ang senador na sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng pamahalaan ay masisimulan ng mahihirap na pamilyang Pilipino na maibangon ang antas ng kanilang pamumuhay.
Ani pa ng Senador, isa rin aniya itong paraan para maramdaman ng bawat pamilyang Filipino na handang umalalay ang gobyerno at may mga programa na ipinapatupad para sa kanilang kapakanan.
Huling tinungo ni Senador Tolentino ang Barangay 20, na isa sa malaking population ng Distrito 1 sa Tondo, ang nabiyayaan AICS payout.
Samantala kanina ay kinumpirma rin ni Senator Tol na susulat siya sa International Committee of the Red Cross upang hilingin na ipahiram sa Pilipinas ang barko ng ICRC na magdadala ng supply sa mga barko at mga sundalo ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Sen Tolentino na isusumite ang kanyang liham sa Department of Foreign Affairs na makikipag-ugnayan sa ICRC.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM