November 25, 2024

3K PAMILYA INILIKAS SA SUNOG SA MAYNILA, MAYOR LACUNA AGAD NA SUMAKLOLO

MABILIS na pinakilos ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Manila Social Welfare Department (MSWD) sa ilalim ni Re Fugoso, upang paliwigin ang tulong sa mahigit 3,000 indibidwal o 600 pamilya na nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Isla Putting Bato sa Tondo, Manila nitong Linggo ng umaga.

Pinag-isipan mabuti ni Lacuna ang ideya para humanap ng ibang matitirhan ng ibang lugar ang mga residente ng Isla Puting Bato dahil aniya ang naturang lugar ay hindi na ligtas sa kanila matapos ang makailang ulit ng sunog sa lugar.

Pansamantalang naninirahan ang mga biktima ng sunog sa Deplan Evacuation Center.

Hinimok ni Lacuna ang Manila City Council na ideklara ang mga apektadong barangay sa ‘state of calamity.’

“We will make sure the evacuees have cash aid, food and house reconstruction materials from our LGU, DSWD and hopefully from other sources as well. We must come together to help the fire victims in their hour of dire need,”  ayon kay Lacuna.

Matatandaan na kasama sa tumulong ang dalawang aircraft ng Philippine Air Force (PAF), pat na fire boat, at 66 fire trucks para maapula ang sunog na nagsimula dakong alas-8:02 ng umaga.

Idineklarang ‘under control’ ang sunog dakong alas-2:00 ng hapon matapos umabot umabot sa ‘Task Force Charlie’.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi at kung magkano ang danyos ng nasabing sunog. ARSENIO TAN